On the way to recovery .. thank you God!

Monday, March 30, 2009 Posted by
Just when I thought that I will be able to relax from a busy week last week, came friday, I was down with a terrible and deadly flu. I couldn't believe it was happening to me on a 33 degrees Celcius temperature! Super iyak talaga ako kasi pag nagkaka sakit naman ako, hindi ganito kalala. My temperature came up to 39.3 deg C., I was anxious, uneasy, stressed out, almost dying with so much pain on my throat and muscles. Good thing that today, monday, fever already went down and I feel a lot better than few days ago but, throat is still killing me... napasama pa yata ang pag watch ko ng horror movie last night kasi napa sigaw ako. Limitado muna ang pagiging talkative ko, as in I dont talk a lot talaga, super nakaka panibago. Kahit ako, nagulat na quiet ako for almost 5 days hehehe. If this tonsillitis doesnt leave me alone then it is about time to take some antibiotics. Nagbago na din pala ang color ng urine ko, sana naman wag na maulit ito kasi nag panic talaga ako when I saw the red color. Sana matapos na ang pag hihirap ko lalo na ngayong malapit na ang holy week. I know na magiging mainit ang temperature kaya dapat maka ligo na ulit ako. Kahit sick ako, nag lilinis pa din ako ng body ko, especially sa armpit and singit singit hehehe and I miss shampooing my hair. By the way, my hair looks like an eagle's nest already, so disgusting! Well, thank you talaga kay God kasi I know nung nag pray ako sa kanya sa bathroom, sinagot nya agad ang prayers ko. Napaka bait mo talaga sa akin God... thank you po sa lagi nyang pag unawa sa akin. I love you. And syempre thanks din sa mama ko na kahit lagi ako pinapagalitan kasi kasalanan ko daw kung bakit namamaga ang throat ko, still lagi nya ako inaalagaan. I love you mama!!!

I hate responsibilities !!!

Wednesday, March 25, 2009 Posted by
If there is anything that I don't want to have in my life, the one thing I avoid getting into, is a "responsibility". Sobrang takot ako sa responsibilidad na minsan nga I face my problem right away para matapos na ito kasi ayokong isipin ang consequences kasi nga baka dapat ko pang akuin yun. Kung pwede lang mag bribe, ipasa sa iba ang nakatakdang gawain, malamang matagal ko ng ginawa. Basta feeling ko pag may responsibilidad ka, parang trapped ka na, parang doon ka nalang forever. Ayoko ng ganun, nakakatakot! Tulad ngayon na nag aayos kami ng papers para sa Canadian Embassy kasi nga na invite kami ng pinsan ko to attend her wedding sa July. Lahat ng pag aayos ng papel sa akin naka assign, sobrang bad trip talaga ako. Eto pa, I don't have my salary yet that's why it is a double bad trip. I wanted to go shopping but I can't kasi ayoko ng galawin savings ko, baka mamaya mamatay ako sa nightmare, then walang pampalibing sa akin ang mama ko. May nakita akong dress sa People Are People (apparel brand) sa Festival Mall Alabang, I love it so much but hindi ko nabili, super sad tuloy ako. Hindi naman ako sure kung ma-approve kami na maka punta sa Vancouver this summer, bahala na talaga at ayoko mag expect. If hindi man kami ma-approve, baka pa-upgrade ko nalang pc ko. Sana maayos ko na lahat ng responsibilidad ko para ma enjoy ko naman ang summer.

How long must I wait?

Monday, March 16, 2009 Posted by

I got a feeling that I will never fall in love again. Lately kasi it seems na nobody nice comes my way, syempre I always fall for the nice ones (yun pala gago hehehe). God must give me a sign na tama yung guy for me, ayoko na kasi mag try and try until I succeed kasi hindi na ako 21 years old, hindi na yata bagay sa akin yun. Wish ko lang din magbigay na si Lord Almighty ng mga signs hanggat maaga para kung ano man ang plans ko sa buhay ko ay masimulan ko na. To wait or not to wait?, that is the question. How long must I really wait for this right man? Darating pa ba sya or dapat ko ng ipaalam sa family ko na sige kayo na ang sole beneficiary ng SSS ko (wahahaha!). It isnt really like I am in a hurry, but my gosh naman, I am 31 na, sawa na ako magpa cute and ask questions like ASL (age/sex/location) sa lahat ng mga nakikilala ko. Partner nalang ang kulang sa buhay ko... ayoko naman mag mukhang desperate pero siguro naman God knows what is inside my heart and He understands that I deserve to be happy. I went through a few heartaches, but those are really intense ones kaya it took me awhile to recover and now that I am so ready to love again, go, go, power rangers na! So please Dear God, deliver me the right man po.

A new life ... hopefully!

Tuesday, March 10, 2009 Posted by

I decided to create a new blog, now na feeling ko binigyan ako ni God ng another chance to live normally. Well, lagi naman normal ang buhay ko pwera nalang nitong 3 months na dumaan. Akala ko talaga na buntis ako at syempre kahit sinong girl na hindi prepared magkaroon ng baby o responsibilidad, the first thing na pumasok sa isip ko ay ipa-abort yun. Ewan ko ba, ang tanga ko talaga. Imagine 3 months na tortured ako sa kakaisip if buntis ba ako or hindi, kahit laging negative naman ang result ng pregnancy tests ko, at nagka period pa ako, pero takot pa din ako. Halatang guilty at may ginawa akong kagaguhan kaya super na depress ako. Mabuti nalang talaga at hindi nga ako buntis at hindi na din ako naka commit ng isang bagay na malamang pag sisihan ko balang araw. Ayoko mag promise pero ita-try ko talagang maging good girl na. Hinding hindi na talaga ako makikipag mabutihan kay Paul, ang walang kwentang ex-bf ko. Anyways, super bad trip ako kasi lahat ng students ko, wala pang bayad sa akin. Almost total ng collectibles ko is 12 thou pesos... wish ko lang mabayaran ako. Lahat ng mga parents nag drama kesyo daw talagang walang pera eh, bakit pa nila ipinasok sa tutorials ang mga anak nila eh poor naman sila. Oh my gosh, wala na akong pera, I wanted to buy a new pair of shoes and pants pa naman. Basta I want to go shopping ... I want to be happy!
 

My Cherished Life Copyright © 2008 Green Scrapbook Diary Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez